Quantcast
Viewing all articles
Browse latest Browse all 586

Sarah Geronimo, nangatog ang tuhod kay Lea Salonga --- Repost from "Abante Tonite"


SINIMULAN ng panalangin para sa Yolanda victims ang Perfect 10 concert ni Sarah Geronimo nu’ng Biyernes nang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Kasunod nito ay in-announce na ang proceeds mula sa nasabing concert ay ido-donate sa mga kababayan nating nasa­lanta ng super bagyo.

Nagkalat din ang donation boxes ng Philippine Red Cross sa venue para sa mga nais magbi­gay ng tulong.

Ang Fil-Am na si Jason Farol na nag-3rd place sa US reality singing competition na Duets (si Kelly Clarkson ang kanyang mentor) ang front act.

Viva talent na rin si Jason at siya ang umawit ng theme song ng up­coming Viva drama flick na When the Love is Gone.

Natagalan bago nagsimula ang mismong concert, buti na lang at pasabog ang opening number ni Sarah G na todo ang effects sa LED screen at hitik sa pyrotechnics.

Sey ni Sarah after her high energy opening prod, tumulo ang sipon niya at muntik na siyang mahulog sa hagdan sa stage.
Image may be NSFW.
Clik here to view.

Tilian ang Big Dome sa video clips ng ilan sa past movies ni Sarah. Pinakama­lakas ang hiyawan sa kanyang famous character na si Laida Magtalas, mula sa blockbuster trilogy nila ni John Lloyd Cruz.

Medyo naging promo ng latest album niyang Expressions ang early part ng show. Kinanta niya ang ilang cuts from the said album tulad ng carrier single niyang Ikot-Ikot.

Hiyawan ang crowd sa sensual moves ni Sarah na gumigiling at umiindayog ang katawan habang buma­banat ng Ikot-Ikot.

First time naming narinig ang sunod niyang senti songs na Sweetest Mistake at Eyes on Fire na ayon kay Sarah ay tungkol sa ‘isang pag-ibig na hindi para sa ‘yo’.

Kuwento raw ng puso niya ang nasa Expressions album niya, kaya may mga sundot na hirit si Sarah habang inaawit ang dalawang emote songs.

Biro niya, para sa isang lalaki (o ex-boyfriend niya?) na ‘masyadong hot, ang init sa mata’ ang Eyes on Fire.

Naaliw kami sa paulit-ulit na pagbanggit ni Sarah ng, “O, huwag n’yong isulat ha?” sa mga kuwelang hirit niya, na baka raw mabigyan ng ibang kahulugan.

Para bang inuunahan na niyang pakiusapan ang mga taga-media na nanonood ng concert niya na huwag nang isulat ‘yung mga quotable-quotes niya that night.

After ng two songs na ‘yon na very personal sa kanya ang meaning ay humirit siya ng, “Naintindihan n’yo? Na-gets n’yo? Bawal ang buffering dito, ha?!” sabay tawa.

Sey ng Popstar Princess, dinadaan lang niya sa patawa pero kabado talaga siya nu’ng gabing ‘yon.
“Gusto n’yong red wine?!” pabirong tanong niya pa sa audience.

Kinanta niya rin ang past hits niyang How Could You Say You Love Me at It’s All Coming Back to Me Now na ori­ginal ni Celine Dion.

Isang paboritong kanta ni Sarah na na-trauma ­siya noong araw dahil mali-mali ang lyrics niya at pumiyok pa siya ay ang isa pang Celine hit na To Love You More.

Ito ang kanta niya noon sa crush niya nu’ng ele­mentary. Nu’ng mag-high school siya ay ito pa rin ang song niya sa high school crush niya na crush din siya.

In fairness ay maayos na ang pagkakakanta niya nito nu’ng high school, kaya lang ay nalaman niyang ‘yung crush niya ay may nililigawan nang iba.

***

Ang kapwa niya champions at close friends niyang sina Rachelle Ann Go, Christian Bautisa at Mark Bautista ang unang guests ni Sarah.

After nilang magsing and dance ay masayang nagbalik-alaala ang apat nu’ng mga nene at totoy days nila. After 10 years ay ang layo na ng narating nila at napanatili nila ang kanilang friendship.

Ani Sarah, si Rachelle Ann ang most trusted friend niya sa showbiz.

Cute ‘yung dayalog ni Sarah na, “Mamahalin n’yo pa rin ako kahit pumi­ok ako, ha?” bago niya inawit ang next song niyang Creep (ng Radiohead).

Hanep ang version ni Sarah ng nasabing kanta. Punumpuno ito ng angst at kinilabutan kami sa kanyang bonggang rendition.

Habang binabanatan ang lyrics ng kanta na, “I’m a creep. I’m a weirdo. What the hell am I doing here?
I don’t belong here…” ay sumundut-sundot si Sarah ng, “To all my haters, I love you!” kaya palakpakan ang Big Dome.

Pakli niya pa, “Thank your for inspiring me. Thank you for loving me in a different kind of way!”

Hanep ang song number niyang ‘yon na isa sa pinakapaborito naming part ng show.

“Sorry, may pagkabaliw, ah? Ha! Ha! Ha!” tawa ng dalaga after her applauded number.

Ang galing din nu’ng flashback part ng mga kinanta ng young Sarah noong araw.

Panalo ‘yung ipinalabas na old clip ng isang paslit na Sarah na inaawit ang Sino ang Baliw? (ni Kuh Ledesma), tapos ay sinabayan ito onstage ng 25-anyos na ngayong si Sarah.

“Ngayon lang po ako naglaladlad, kasi po sampung taon na, eh!” bulalas ng Pop Princess after her emotional performance.

Ngayon niya na raw nailalabas ang kanyang true colors.

Kasunod nito ang tribute number niya para sa typhoon victims. Naglam­bing si Sarah kay Boss Vic del Rosario ng Viva na sana ay matulungan siya nitong madagdagan pa ang mga ibibigay nilang tulong sa mga biktima ng kalamidad sa Visayas.

Ang inspirational song na Light of a Million Mornings ang alay niya sa mga ito.

***

Hiyawan ang Araneta paglabas ni Regine Velasquez, na nakipag-duet kay Sarah ng Bruno Mars hits (It Will Rain at When I Was Your Man na ginawa nilang When He Was My Man).

Tawanan ang fans sa mga birong sundot ni Songbird, na tila kinikilig for Sarah. Pabulosa ang tagisan ng boses ng dalawa.

Sumunod dito ang isa pang idolo ni Sarah at kapwa niya coach sa The Voice of the Philippines na si Lea Salonga.

Nag-enjoy kami sa dalawang duet songs nila na For Good at ­Defying Gravity mula sa paborito naming musical na Wicked.

Sey ni Sarah, nangatog ang tuhod niya sa number nilang ‘yon ni Lea. Alam niya kasing napakatalas ng tenga ni Lea kapag may mga mali siyang nota.  

Best moment of the night ang next number kung saan nagsama-sama sina Regine, Lea at Sarah sa pag-awit ng bonggang Barbra Streisand medley.

Isang rare musical treat ang nasabing number, na hindi nagpapatalbugan kundi nagku-compliment ang world-class voices ng tatlo habang inaawit ang People, Memory, Papa Can You Hear Me?, A Piece of Sky, Tell Him at Somewhere.

“Hindi halatang hindi tayo nag-rehearse! Ang gara!!!” tili ni Regine after their super­applauded number.

Birit kung birit pa rin ang Sarah sa next songs niya mula kay Shirley Bassey, na paborito niyang kinakanta nu’ng bagets pa siya na panay ang sali niya sa mga amateur ­singing contest.

Sa classic hits ni Bassey na Greatest Performance of My Life at This Is My Life daw siya naging isang ganap na singer.

Bumaba si Sarah sa audience nang kantahin niya ang first signature hit niyang Forever’s Not Enough.
Isa sa mga nilapitan niya ay si Boss Vic.

Inabangan doon ng marami ang presence ng rumored boyfriend ni ­Sarah na si Matteo Guidi­celli, pero wala ito.
Image may be NSFW.
Clik here to view.

Present ang fans ng dalawa na AshMatt (Sarah Asher Tua Geronimo ang real name ni Sarah kaya du’n galing ang ‘Ash’).

Mas okey na rin na wala si Matteo dahil walang nang-agaw ng limelight kay Sarah.

Ang encore number ni SG ay isang paandar na Michael Jackson dance prod kasama ang G-Force.

Hanep ang sultry moves ni Sarah at feel na feel niya ang mga galaw na mala-MJ.

After niyang mapunong muli ang Araneta sa Perfect 10, for the first time ay sa MOA Arena naman magko-concert si Sarah sa November 30.



This is a repost of the article from Abante Tonite posted by Allan Diones. 








Viewing all articles
Browse latest Browse all 586

Trending Articles