Quantcast
Channel: JUSTINoneNonly
Viewing all articles
Browse latest Browse all 586

Sarah Geronimo learns archery with boyfriend Matteo Guidicelli, for the fun of it or for a project? :)

$
0
0
Uy nag-aaral daw ng archery si Sarah Geronimo. Ito ay matapos kumalat ang picture nina Sarah at boyfriend niyang si Matteo Guidicelli na magkasamang nag-a-archery.
Lately ay hindi visible ang dalawa kaya maraming natuwa sa picture na magkasama na naman sila na lumabas at siyempre nag-date.
Maraming kinikilig sa kanila kaya nag-aabang ang fans kung ano na ba ang nangyayari sa dalawa.
Anyway, hindi pa man official na out sa market ang brand new song ni Sarah na Kilometro, aba nagti-trending na agad kahapon sa Twitter. At ang laki na agad ng hits sa YouTube.
Matagal-tagal na rin kasi ang last album ni Sarah kaya marami na ang nae-excite sa ilalabas niyang bagong album.
Ayon sa isang Viva Records insider, lalabas sa first week of October ang album niyang Perfectly Imperfect ang title.
Bukod sa aabangang album, bulung-bulungang malakas ang laban ni Sarah sa pagka-best actress sa nalalapit na 11th Golden Screen Awards for Movies ng Entertainment Press Society (ENPRESS). Panlaban ni Sarah ang acting sa pelikula niyang It Takes a Man and a Woman na sequel ng super blockbuster nilang pelikula ni John Lloyd Cruz.
Katatapos lang niyang manalong Female Performer of the Year at nakuha ang Pop Album of the Year sa Star Awards for Music.
At siyempre, tuloy ang kampanya ng fans ni Sarah para iboto siya sa Best Southeast Asia Act sa MTV Europe Music Awards. In fairness, ang bilis lang bumoto kaya vote na para magwagi ang Pop Superstar.


This is a repost of the article from PhilStar. ☺








Viewing all articles
Browse latest Browse all 586

Trending Articles