Plano nga ba niyang balikan si Sarah Geronimo noong wala pa si Matteo Guidicelli sa buhay ng singer/actress?
“Ay, hindi naman, wala naman pong ganu’n,” salag ng aktor.
Magkaibigan ba sila ni Sarah ngayon?
“’Pag nagkikita kami sa ASAP, ganunan (batian) na lang kasi ang layo niya, pinakamarami siyang entourage,” sagot ni Rayver.
Pinuri ni Rayver si Matteo dahil, “Sobrang bait nu’n, matagal ko nang kaibigan ‘yun, pareho kaming taga-South, iisa ang trainor namin, kaya maski sinong babae, suwerte kay Matteo. Same thing with Matteo, suwerte kay Sarah, suwerte sila sa isa’t isa.”
Wala siyang record na binabalikan niya ang kanyang ex-girlfriend.
Tweet
Follow @JUSTINoneNonly
Follow @SarahGBlogger
Follow @SarahGDefender