Isa ang Anak TV Seal Awards sa mga inaabangang parangal taun-taon dahil pinipili dito kung anong mga palabas at sino ang mga TV personalities na may magandang impluwensya sa mga kabataang Filipino. Ginanap ang nasabing parangal sa SGI Building, Tomas Morato corner Timog Avenue, Quezon City noong nakaraang December 12, 2013 pasado alas 9 ng umaga.
Matapos ang opening remarks ng Anak TV President na si Ms. Elvira Yap Go ay pinarangalan agad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman na si Atty. Eugenio Villareal ang 11 na pinakapaboritong palabas sa telebisyon. Ito ay ang It's Showtime, Juan Dela Cruz, Rated K, Kapuso Mo, Jessica Soho, Maalaala Mo Kaya, Ina Kapatid Anak, 24 Oras, Matanglawin, Be Careful with My Heart, TV Patrol, at Eat Bulaga.
Imbitado sa nasabing parangal ang Presidente ng Pilipinas na si President Benigno “Noynoy” Aquino ngunit hindi ito nakadalo. Nagpadala na lang ng mensahe si PNoy para sa recipients ng Anak TV Seal Awards at si MTRCB Chair Eugenio “Toto” Villareal ang nagbasa ng mensahe ng Pangulo.
Dahil sa pitong taon na pagkapanalo taun-taon bilang Makabata Star, pinarangalan bilang Hall of Famer sina Sarah Geronimo, Bernadette Sembrano, at Jessica Soho.
Natuwa ang lahat sa speech ni Sarah Geronimo dahil hindi raw niya akalain na aabot siya sa parangal ng pagiging Hall of Famer sa Anak TV. Senyales daw ito na ang lahat ng kanya ginagawa ay tama lalo na ang pagiging masunurin sa magulang na naging dahilan kung nasaan daw siya ngayon.
Sinabi naman ni Jessica Soho na hindi edad ang basehan ng pagiging Hall of Famer dahil ka level niya si Sarah Geronimo na Hall of Famer din.
Isa sa mga inabangan na speech ay mula sa panauhing pandangal na si Senator Grace Poe. Ayon sa dating MTRCB head, hinihimok niya ang mga TV networks na palawakin pa ang paggawa ng mga programa na iniisip ang kapakanan ng mga kabataang manonood.
Samantala, ang Anak TV spokesperson na si Mikee Cojuangco-Jaworski ay pinarangalan rin bilang Makabata Star dahil sa pagdadala niya ng karangalan sa bansa nang tanghalin at maboto siya bilang miyembro ng International Olympic Committee.
May kabuuan na 101 na programa ang nagkaroon ng Anak TV Seals ngayong taon bilang family friendly programs.
Nanguna ang Net 25 sa may pinakamaraming awards sa bilang na 23 Anak TV Seals. Sumunod ang GMA Network na may 11 Anak TV Seals at GMA News TV na nakatanggap ng 8. Ang ABS-CBN at regional stations nito ay nagkaroon ng 17 seals. Gayundin naman ang UNTV na nakatanggap din ng 17 seals. Siyam naman ang nakuhang seals ng PTV 4 at ang TV5 ay may 4 na Anak TV Seals.
Isa sa mga highlights ng naturang ceremony ay ang pagpaparangal sa mga sikat na TV personalities bilang mga Makabata Star.
Ito ay sina Anthony Taberna, Angel Locsin, Coco Martin, Charo Santos Concio, Kim Atienza, Kara David, Karen Davila, Richard Yap, Kim Chiu, Vic Sotto, Vicky Morales, Ted Failon, Noli de Castro (na hindi nakadalo kaya si Ted ang tumanggap ng award para sa kapwa broadcaster), Jodi Sta. Maria (na ang representative naman ay sina Doris at Sabel ng Be Careful With My Heart).
Present din ang mag sweethearts na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Umakyat din ng entablado ang mag-asawang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Gayundin ang loveteam na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Sila ang mga celebrities na kinikilalang mabuting huwaran ng kabataan.
Tweet
Follow @JUSTINoneNonly
Follow @SarahGDefender

This is a repost of the article from PEP by Allan Sancon posted on December 13, 2013! ☺
Tweet
Follow @JUSTINoneNonly
Follow @SarahGDefender